Papayagan na ang mga religious gatherings sa mga lugar na nasa ilalim na ng modified general community quarantine (MGCQ) simula Bukas, Hunyo 1.
Ito ang inihayag ni Justice Secretary Menardo Guevarra, batay aniya sa naging desisyon ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF).
Ayon kay Guevarra, inaprubahan ng iatf ang pagsasagawa ng mga religious gatherings nang hanggang limampung porsyento ng kapasidad ng mga simbahan o anumang venue.
Dagdag ni Guevarra, kinakailangan ding tiyakin ang mahigpit na pagpapatupad ng minimum health protocols tulad ng social distancing, palagiang paggamit ng face masks, pagsanitize ng mga kamay at no physical contact policy.
kabilang sa mga isasailalim na sa MGCQ simula bukas hanggang Hunyo 15 ang Ilocos Region, MIMAROPA, Bicol, Western Visayas, Eastern Visayas, Caraga, Northern Mindanao.
Gayundin ang zamboanga peninsula maliban sa Zamboanga City, Davao Region maliban sa Davao City, Soccsksargen.