Papahintulutan na ang pababalik ng mga religious gatherings sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ).
Ito ang inihayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque kasabay ng pagpasok ng ‘Ber’ months na itinuturing ding pagsisimula ng kapaskuha sa bansa.
Ayon kay Roque, pinapapayagan ang hanggang sampung porsyentong kapasidad ng mga upuan sa isang venue at religious gatherings mula sa dating sampung tao lamang.
Magugunitang, itinakda ang hanggang sampu katao lamang na maaring dumalo sa mga religious activities noong muling isinailalim sa modified enhanced community quarantine ang Metro Manila at maibalik mula sa GCQ noong nakaraang buwan.