Ipinapasara ng isang arsobispo ang mga religious stores sa mga parokya sa kanyang nasasakupan.
Ang kautusang ito ay inilabas ni Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) President at Lingayen Dagupan Archbishop Socrates Villegas.
Layon nito na matugunan ang maling impresyon ng mga mananampalataya na ang simbahan bukod sa spiritual mission, nagne-negosyo na rin.
Bukod sa pagpapasara sa mga religious stores, hindi na rin nirerekomenda ni Villegas ang pagbubukas ng mga bagong tindahan, maliban na lamang kung nagsumite ito ng record sa BIR at nakakuha ng business license alinsunod sa batas.
By Meann Tanbio | Aya Yupangco (Patrol 5)