Posibleng mag-resulta sa mas malalim na hidwaan sa pagitan ng dalawang (2) magkaibang paniniwala ang plano ng mga pulis sa Gitnang Luzon na magpalabas ng ID para sa mga Muslim sa nasabing rehiyon.
Ito ang iginiit ni Senator Sherwin Gatchalian, na aniya’y isang paglabag sa equal protection clause ng Saligang Batas.
Ayon kay Gatchalian, hindi praktikal at magkakaroon ng problema sa implementasyon ng kapag itinuloy pagbibigay ng ID sa isang tukoy na sektor lamang ng lipunan.
Binigyang diin pa ng Senador na hindi pagbibigay ng ID sa mga Muslim ang kailangan para mapawi ang takot sa pagkalat ng terorismo sa ibang lugar sa bansa.
“Importante na mabuksan ang communication and dialogue, hindi ihiwalay, kasi kung ihihiwalay magkakaroon tayo ng mas malalim na problema, mas maraming magiging kumbaga sympathizers sa mga hindi magaganda, tingin ko ang immediate effect nito, short term to medium term is lalong lalaim ang hidwaan sa isa’t isa.” Pahayag ni Gatchalian
By Krista de Dios / Karambola (Interview)
Religious war ibinabala sa planong Muslim ID system was last modified: July 10th, 2017 by DWIZ 882