Isang malaking hamon sa gobyerno ang paghahanap ng relocation sites sa libu libong pamilya na maaaring maapektuhan ng malalaking infrastructure projects
Binigyang diin ito sa DWIZ ni Senador JV Ejercito matapos ang senate hearing sa isyu nang pagbibigay ng emergency powers sa Pangulong Rodrigo Duterte para resolbahin ang problema sa trapiko
Ayon kay Ejercito kumplikado ang sitwasyon dahil sadyang maraming pamilya tulad ng halos tatlumpung libong pamilya sa Quezon City na madadaanan ng malalaking infrastructure projects ang kanilang mga tahanan
By: Judith Larino