Tigil na muna ang demolisyon ng tahanan ng mga informal settlers sa buong bansa.
Ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte, walang magaganap na demolisyon sa panahon ng kanyang panunungkulan kung walang relokasyon.
Binigyang diin ng Pangulo na hindi siya papayag na sirain ang bahay ng isang pamilya na parang mga aso kung walang tiyak na pupuntahan.
Sinabi ng Pangulo na maghahanap muna siya ng pera para ipang-pondo sa relokasyon ng mga mawawalan ng tahanan kayat importante na maganda anya ang kundisyong pang ekonomiya ng bansa.
By Jaymark Dagala | Aileen Taliping (Patrol 23)