Ikinukunsider ni Senador Manny Pacquiao ang posibleng rematch kay WBA Champion Yordenis Ugas.
Sinabi ni Pacman na ipapaalam muna niya sa promoter na gusto niyang labanan muli si Ugas sa January 2022.
Samantala, bagamat natalo sa laban kay Ugas, inaasahang idedeklara ng WBA si Pacman bilang “Champion for life” bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-100 taon ng WBA.
Ipinabatid ito ni WBA Presidente Gilberto Mendoza matapos makausap si Pacman bago ang laban nito kay Ugas.
Ayon kay Mendoza, nagpagawa na sila ng belt para sa pambansang kamao na ibibigay nila kasama ang isang resolusyon na nagdedeklara rito bilang WBA Champion for life.