Tiwala ang promoter na si Bob Arum na makukumpirma na sa susunod na linggo ang rematch sa pagitan ni fighting Senator Manny Pacquiao at Australiyanong boksingero na si Bob Arum.
Ayon kay arum, batay sa inisyal na resulta ng negosasyon, posibleng ganapin ang rematch sa Nobyembre sa Suncorp Stadium sa Brisbane Australia.
Dagdag ni Arum, dahil sa kuwestyonableng pagkapanalo ni Horn laban kay Pacquiao sa kanilang naunang laban, nasumite ngayon ang WBO ng listahan ng tatlong posibleng maging referree at 10 mga posibleng hurado.
Mula sa mga nasabing listahan ay pipili ang magkabilang panig ng magiging referree at judge sa darating na rematch.
By Krista de Dios