Kasado na bukas ang pangalawang bakbakan sa pagitan ng pambato ng Pilipinas at Japan na sina Nonito “The Filipino Flash” Donaire at Naoya “The Monster” Inoue sa Saitama Super Arena sa Japan.
Nakataya sa laban ang hawak na titulo ni unbeaten Inoue na Wolrd Boxing Association (WBA) at International Boxing Federation (IBF) world titles at World Boxing Council (WBC) belt ni Donaire.
Mababatid na sa unang paghaharap ng dalawang noong 2019 ay nagwagi si Inoue via unanimous decision ngunit naging marahas ang kanilang laban na hinirang pang “Fight of the Year”.
Samantala, nangako ang dalawa na uulitin nila o hihigitan pa ang aksyong sumiklab noong una nilang paghaharap.