Aprubado na ng Food and Drugs Administration (FDA) ng Amerika ang anti-viral drug na Remdesivir bilang kauna-unahang bakuna kontra COVID-19.
Ayon sa US FDA, maaari na itong gamitin para sa mga nakatatanda gayundin sa mga kabataang may edad 12 pataas at may timbang na 40 kilo.
Tiniyak naman ni US FDA Commissioner Stephen Hahn na suportado ng mga datos mula sa clinical trial na kanilang isinailalim sa assessment kaya’t maituturing nitong milestone sa paghananap ng lunas sa nasabing sakit.
Gayunman, nagpaalala ang US FDA na kinakailangang sa ospital gamitin ang Remdesivir o ‘di kaya naman sa healthcare facilities na may kakayahang mag-alaga sa mga pasyente.