Pansamantalang ititigil ng National Kidney and Transplant Institute (NKTI) sa Quezon City ang paggamit ng Remdisivir at Tocilizumab maliban sa mga pasyenteng may severe COVID-19.
Ayon sa pamunuan ng NKTI, numinipis na ang kanilang supply ng mga nasabing therapeutic drugs sa gitna ng patuloy na pagsirit ng COVID-19 cases.
Ititigil din ng pagamutan ang pagbibigay ng Hemoperfusion cartridges sa mga hindi pasyente ng NKTI dahil sa limitadong stock.
Batay sa datos ng DOH, nasa critical level na ang COVID-19 healthcare capacity ng NKTI kung saan aabot na sa 97.8% ang kanilang bed occupancy rate. —sa panulat ni Drew Nacino