Posibleng aprubahan di umano ng U.S. Food and Drug Administration (FDA) ang Remdeslvir na gamot sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon sa report ng Cable News Network, nakikipag-usap na di umano ang FDA sa Gilead Sciences –ang gumagawa ng remdeslvir para sa produksyon ng gamot.
Lumabas umano sa pag-aaral na pinondohan ng gobyerno na mas mabilis na gumagaling ang mga COVID-19 patients na gumamit ng Remdeslvir.
Anumang araw mula ngayon ay inaasahan na umano ang anunsyo mula sa FDA para sa emergency use authorization para sa gamot.