Umabot na sa 33 billion dollars ang remittance ng mga overseas Filipino worker noong isang taon kumpara sa 29.7 billion dollars sa pagtatapos ng taong 2016.
Ayon sa World Bank, sa kabuuan ay sumampa na sa 466 billion dollars ang remittances ng mga immigrant sa kanilang mga country of origin, noong isang taon kumpara sa 429 billion dollars noong 2016.
Nangunguna pa rin ang India bilang remittance recipient na umabot sa 69 billion dollars; China, 64 billion dollars; Pilipinas, 33 billion dollars; Mexico, 31 billion dollars, Nigeria; 22 billion dollars at Egypt, 20 billion dollars.
Inaasahang tataas pa ang remittances ng mga immigrant sa mga susunod na taon sa gitna ng patuloy na migration at pagpapadala ng foreign work force partikular sa Estados Unidos, Europe at Middle East.