Tumaas ng 8.7 percent ang remittance rate ng mga OFW o Overseas Filipino Workers noong buwan ng Hulyo.
Ito’y ayon sa BSP o Bangko Sentral ng Pilipinas makaraang makapagtala ng 2.5 billion dollars ang naipadalang pera ng mga OFWs na mas mataas kumpara sa 2.3 billion dollars sa kaparehong panahon noong isang taon.
Nagmula sa Amerika ang karamihan sa mga cash remittances na sinundan naman ng Saudi Arabia, United Arab Emirates, Singapore, Japan, United Kingdom, Qatar, Kuwait, Germany at HongKong
Ayon pa sa BSP, ang mataas na remittance rate ay katunayan lamang na mataas ang demand para sa mga Pinoy skilled workers sa ibayong dagat.
—-