Bumaba ng mahigit sa 16 na porsyento ang buwanang remittance mula sa mga Pilipinong nasa ibayong dagat sa harap.
Sa datos ng Bangko Sentral ng Pilipinas, pumalo lamang sa mahigit $2.2-billion dollars ang cash at in kind remittance nuong Abril mula sa dating mahigit sa $2.7- billion dollars.
Ito na ang pinakamababang remittance na naitala ng bansa sa nagdaang apat na taon.
Sa kabuuan, nasa mahigit 10.4-billion ang remittance mula Enero hangang Abril ng taong kasalukuyan, mababa ng halos tatlong porsyento sa mahigit $10.8-billion dollars sa parehong panahon nuong 2019.