Tumaas ang personal remittances ng Overseas Filipino Workers o OFWs noong Hulyo ng taong kasalukuyan.
Ito’y ayon sa tala ng Bangko Sentral ng Pilipinas o BSP kung saan pumalo ito sa $2.3 Billion o katumbas ng pagtaas ng 0.5 percent mula sa $2.29 Billion noong nakaraang taon.
Subalit, batay sa BSP data, ang pagtaas na ito ay ang pinakamababa naman sa loob ng 6 na buwan.
Matatandaang nagdeklara ng zero remittance day ang mga OFW noong isang buwan bunsod ng naunsiyaming plano ng bureau of customs na pag-iinspeksiyon sa kanilang mga balikbayan boxes.
By: Jelbert Perdez