Muling tumaas ang remittances ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa gitna ng posibleng malawakang tanggalan sa trabaho ng mga dayuhang manggagawa sa Middle East.
Pumalo sa 2.4 billion dollars ang cash remittances noong Disyembre kumpara sa 2.3 billion dollars sa kaparehong panahon noong 2014.
Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), kabuuang 25.7 billion dollars ang remittances ng mga Pinoy mula sa ibayong dagat noong isang taon.
Ayon kay BSP Governor Amando Tetangco Jr., ang patuloy na deployment ng mga Pinoy sa ibang bansa ang isa sa mga pangunahing dahilan kaya’t lumalaki ang kanilang ambag sa ekonomiya ng Pilipinas.
Kabuuang 1.8 milyong Overseas Filipino Worker ang idineploy noong isang taon base sa datos ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA).
By Drew Nacino