Tumaas ang remittances mula sa OFW o Overseas Filipino Workers simula noong oktubre hanggang sa kasalukuyang buwan.
Ito ang inanunsyo ng BSP o Bangko Sentral ng Pilipinas matapos maging malamya noong setyembre ang padala ng mga OFW.
Ayon kay BSP Governor Nestor Espenilla Jr., umabot sa 2.55 billion dollars ang remittances noong oktubre na nagpapakita ng siyam punto pito porsiyento (9.7%) ng paglago.
Dagdag pa nito, sa nakalipas umanong sampung buwan, ang personal remittances kasama na ang ibang uri ng padala ay tumaas ng lima punto dalawang porsyento (5.2%) sa 25.72 billion dollars kumpara sa naitala sa katulad na panahon noong 2016 na 24.43 billion dollars.
Pangunahin aniyang pinagmulan ng remittances ay sa United Arab Emirates at United States kung saan nagta-trabaho ang milyon-milyong pinoy.