Lumago ng 5.7% ang cash remittances mula sa Overseas Filipinos o katumbas ng 2.64 billion dollars noong Nobyembre 2022.
Kumpara ito sa 2.5 billion dollars sa kaparehong panahon noong 2021.
Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas, mayorya ng padala ay mula sa land at sea-based workers.
Mula Enero hanggang Nobyembre noong isang taon, naitala ng BSP ang 29.3 billion dollar cash remittance, kumpara sa 28.4 billion dollars sa kaparehong panahon noong 2021.
Karamihan sa mga nagpadalang OFW ay mula sa US, Singapore, Saudi Arabia at Qatar.
Itinurong isa sa dahilan ng pagtaas ng remittances ay ang Christmas Holidays at mataas na palitan ng piso kontra dolyar.