Kumpiyansa ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na posibleng lumago sa 43% ang mga remittances ng mga Overseas Filipino Worker (OFW) ngayong taon at hanggang sa 2023.
Ayon kay Dennis Lapid, Officer-in-Charge ng Department of Economic Research, pumalo na sa 40% o katumbas ng 760,000 ang deployment ng mga OFW mula January hanggang September ngayong taon sa gitna ng tumataas na demand para sa mga Filipino workers.
Inaasahan anya na makatutulong ang pinababang remittance fees ngayong taon at sa susunod na taon.
Magugunitang tumaas sa 3.8% ang total cash remittances ng mga OFW noong Setyembre. —sa panulat ni Jenn Patrolla