Sumampa na sa halos 2.4 billion dollars ang remittances ng Overseas Filipino Workers o OFW’s nitong Enero.
Kumpara ito sa 2.2 billion dollars na ipinadala ng mga OFW sa kaparehong panahon noong isang taon.
Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas, ang patuloy na pagtaas ng personal remittances ay dulot ng 13.5% growth sa money transfers na aabot sa 1.9 billion dollars mula sa mga land-based worker na may mga kontrata ng isang taon o higit pa.
Nakatulong ito upang mapunan ang pagbulusok ng remittances ng land-based at sea-based workers na may kontratang hindi hihigit sa isang taon.
Karamihan sa mga cash remittance ay nagmula sa United States, Saudi Arabia, United Arab Emirates, United Kingdom, Japan, Singapore, Hong Kong at Qatar.
By Drew Nacino