Umakyat ng halos 4% ang remittances ng Overseas Filipino Workers (OFWs) sa unang walong (8) buwan ng taong ito.
Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), pumapalo sa 22 billion US dollars ang kabuuang OFW remittances mula Enero hanggang Agusto ng 2019, kumpara sa 21. 2 billion dollars sa kaparehong panahon ng 2018.
Ipinabatid ng BSP na pinakamalaking porsyento ng remittances ay nagmula sa mga OFW sa Amerika na sinundan ng Saudi arabia, Singapore, United Arab Emirates, United Kingdom, Japan, Canada, Hongkong, Germany, at Kuwait.