Tumaas ng 5% ang ipinadalang remittance ng mga Overseas Filipino Workers (OFW)’s sa unang dalawang buwan ng taong ito.
Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang personal remittances o kabuuan ng cash o in kind transfer ay pumapalo sa $5.56-B US dollars ang naitalang remittances mula sa mga ofw sa enero at pebrero mula sa $5. 303 billion US dollars sa parehong mga buwan nuong isang taon.
Samantala, ang cash remittances naman o money transfer na ipinadaan sa pamamagitan ng mga bangko ay tumaas ng 4.6% nasa $5-B US dollars mula sa $4.8-B
Ang Estados Unidos ang nakapagtala ng pinakamataas na pinagmulan ng kabuuang remittance sa 39%.