Kinumpirma ni Cavite Governor Jonvic Remulla ang unang kaso ng COVID-19 sa kanilang lalawigan.
Ayon kay Remulla nagpositibo sa COVID-19 ang isang seaman mula sa Imus.
Ipinabatid ni Remulla sa kaniyang facebook post na ang nasabing seaman ay dumaan sa Narita Airport sa Japan bago siya bumalik ng Pilipinas.
Naka-confine na aniya sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) ang nasabing seaman.
Samantala isang babae naman na naka-confine sa isang pribadong ospital sa Imus ay tinukoy bilang person under investigation (PUI) sa posibleng COVID-29 infection.
Sinabi ni Remulla na ang nasabing babae ay kakagaling lamang sa South Korea at kagabi lamang isinumite sa RITM ang kaniyang swab sample at inaasahang malalaman ngayong hapon ang resulta.