Tiniyak ni Cavite Governor Jesus Crispin Remulla na walang magiging whitewash sa imbestigasyon sa naganap na sunog sa factory ng House Technology Industries o HTI sa Cavite Export Processing Zone Authority (EPZA) sa General Trias.
Ayon kay Remulla, nakahanda ang Bureau of Fire Protection o BFP, mga pulis at Scene of the Crime Operatives (SOCO) na magsagawa ng kani-kanilang imbestigasyon sa ilalim ng operational conditions.
Tiniyak na rin anya ng pamunuan ng HTI na sasagutin ang lahat ng gastos ng mga empleyado nilang nasugatan habang accounted na rin ang mahigit 3,000 manggagawa ng factory.
Samantala, 38 pang biktima ang nananatili sa Divine Grace Medical Center Hospital at General Trias Hospital kung saan tatlo ang nasa kritikal na kondisyon.
By Drew Nacino