Tututukan ng Danish embassy sa Pilipinas bilang areas of cooperation ng dalawang bansa ang renewable energy at agriculture sector.
Ayon kay Danish ambassador to the Philippines Franz-Michael Mellbin, isa sa mga untapped sector ang clean at renewable energy.
Bagama’t marami na ang gumagamit ng solar at wind energy sa bansa ay kulang pa rin aniya ito upang mapunan ang pangangailangan ng bansa.
Dagdag pa ni Mellbin, malaki ang maitutulong ng Denmark sa bansa paddating sa renewable projects dahil sa karanasan at kaalaman nito hinggil sa usapin. —mula sa panulat ni Hannah Oledan