Ipinakukunsidera ng dalawang senador sa pamahalaan ang paggamit ng renewable energy upang maibsan ang pasanin ng mga Pilipino sa walang patid na pagtaas ng langis.
Kapwa iginiit nila Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri at Senador Sherwin Gatchalian na humanap ng ibang mapagkukuhanan ng enerhiya ang pamahalaan at maglatag ng hakbang para makatipid sa gasoline.
Para kay Zubiri, malaking bagay ang kuryente para siyang magpatakbo na lamang ng mga sasakyan sa halip na gumamit ng langis o krudo na lubhang mahal ang presyo.
Sa panig naman ni Gatchalian, mahalagang ma-develop ang fuel security dahil hindi maaaring palagi na lamang aangkat ang Pilipinas ng langis dahil sa mabilis at malikot na paggalaw nito.
—-