Renewable energy is the way forward.
Iyan ang pahayag ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. Sa kanyang ikalawang State of the Nation Address (SONA) na ginanap noong July 24, 2023.
Hinangaan naman ito ng mga netizen kung saan napa-hashtag yes to renewable energy pa ang ilan. (#yestorenewableenergy)
Ano nga ba ang renewable energy at paano ito makakatulong sa bansa?
Tara, suriin natin yan.
Familiar ang karamihan sa atin sa windmills, kabilang na ang patok na tourist spot na Bangui wind farm sa Ilocos Norte. Marami rin sa atin ang nakakita na ng solar panel sa mga bubong. Examples lang yan ng renewable energy.
Maaaring pagkuhanan ng renewable energy ang sikat ng araw o solar energy, hangin o wind energy, alon ng dagat o hydropower, at init o geothermal energy.
Natural, self-replenishing, at kadalasan walang carbon footprint ang renewable energy.
Naniniwala si Pangulong Marcos na ang pagpapalawak sa paggamit ng renewable energy sources ay mabisang paraan na masolusyunan ang mga problema sa mataas na singil ng kuryente, climate change, at global warming.
Sa renewable energy, hindi na kailangang gumamit ng fossil fuels. Naglalabas ng harmful air pollutants ang fossil fuels bago pa man ito masunog. Nagpro-produce din ito ng large quantities ng carbon dioxide. Tina-trap ng heat sa atmosphere ang carbon emissions na siya namang nagdudulot ng climate change.
Ayon sa report na decarbonizing Meralco na isinulat ng greenpeace at Center for Renewable Energy and Technology (CREST), nagre-rely ang Meralco sa dirty power sources. Ipinapakita ng datos ng power supply agreements ng kumpanya na dominant ang paggamit ng fossil fuels at 94%, samantalang 6% lang sa renewable energy.
Ito ang gustong baguhin ni Pangulong Marcos na may goal na by 2030, 35% ng power mix ay renewable energy. By 2040, dapat maging 50% na ito ayon sa National Renewable Energy Program ng Gobyerno.
Goal din ng gobyerno na pababain ang costs ng renewable energy projects at gawing mas accessible sa publiko ang renewables.
Maganda ang hangarin ni Pangulong Marcos ukol sa renewable energy. Bukod sa makakatulong ito sa kalikasan, siguradong makikinabang dito ang pangkaraniwang pilipino dahil sa bababa ang presyo ng kuryente.
Hindi ito imposibleng mangyari dahil sa katunayan, higit sa kalahating milyong tahanan ang nagkaroon ng access sa kuryente simula ng pag-upo ng pangulo. Pangako niya, lahat ng tahanan sa bansa ay magkakaroon ng kuryente by the end of his term. Sabi nga niya, “100% is within our reach.” kaya naman hangang hanga ang mga netizen kay pangulong marcos at suportado sila sa iminumungkahi nitong pagpapalawak ng renewable energy.
Sa iyong palagay, paano pa mapapalawak ang paggamit ng renewable energy sa Pilipinas?