Dapat umanong palawigin hanggang sa katapusan ng taon ang renewal ng business permits at pagbabayad ng real property tax payments sa bansa sa gitna ng patuloy na pagsirit ng kaso ng COVID-19.
Ayon kay Anti-Red Tape Authority (ARTA) Director General Jeremiah Belgica, dapat na maging sensitibo ang bansa dahil sa record breaking na bilang ng mga tinatamaan ng nakakahawang sakit.
Sinabi pa ni Belgica, na ang kalusugan ng publiko ang dapat na iprayoridad ng gobyerno sa ngayon dahil ang mga taong nagtutungo sa mga City Hall upang mag-renew ng kanilang mga Business permit at magbayad ng kanilang real Property tax ay hindi makakatulong sa pagpigil sa pagkalat ng virus.
Hinikayat din ni Belgica ang LGUs na sundin ang Republic Act No. 11032 o ang Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act of 2018 para sa Fully Automate Business Permitting and Licensing System upang maging ligtas ang transaksiyon ng publiko at ng gobyerno sa panahon ng pandemya. —sa panulat ni Angelica Doctolero