Sinuspinde muna ng Department of Foreign Affairs o DFA ang renewal ng mga pasaporte na matatapat sa mga petsang Nobyembre 13 hanggang 15.
Ayon sa DFA, ito’y makaraang ideklara ng Malakanyang na Special Non-Working Day ang mga nabanggit na petsa bilang pagbibigay daan sa Association of Southeast Asian Nation o ASEAN Summit.
Kasunod nito, nilinaw ng DFA na hindi na kailangan pang magpa-reschedule ang mga nakatakdang magpa-renew sa mga nabanggit na petsa, sa halip ay tatanggapin nila ito mula Nobyembre 16 hanggang 29.
Magbubukas naman ang Aseana Consular Office ng DFA sa Pasay City sa Nobyembre 18, Sabado, para sa mga nagnanais kumuha ng pasaporte mula 8:00 ng umaga hanggang 4:00 ng hapon.
Gayunman, binigyang – diin ng DFA na magpapatupad sila ng special rate sa nasabing petsa kung saan, aabot sa P1,200.00 ang kanilang sisingilin.