Mabibili nang muli sa mga pamilihan ang liver spread brand na Reno.
Ito’y matapos makabalik sa merkado ang Reno makaraang makakuha na ito ng certificate of production registration (CPR) sa Food and Drug Administration (FDA).
Ayon kay FDA Head Eric Domingo, wala nang kulang na dokumento at pumasa sa panuntunan ng ahensya ang naturang liver spread.
Noong nakaraang dalawang linggo umano nakakuha ng CPR ang manufacturer ng Reno.
Magugunita na noong Setyembre ay nagpaalala ang FDA sa publiko kaugnay sa pagbili ng mga produktong hindi sa kanila nakarehistro at kabilang nga rito ang Reno.