Itinakda ng National Human Settlements Board ang maximum 2.3 percent increase sa upa para sa residential units na may monthly rate na 10,000 pesos o mas mababa.
Ang maximum increase sa monthly rentals para sa subject residential units ay epektibo simula January 1 hanggang December 31, 2025, base sa NHSB resolution 2024-001.
Inaprubahan ng NHSB, bilang nag-iisang policy-making body na responsable sa pagtatakda ng overall policy directions at program development sa iba’t ibang key shelter agencies, mula sa rekomendasyon ng National Economic and Development Authority, ang bagong resolution noong December 2024.
Nilagdaan ni Undersecretary Henry Yap ang resolution para sa Department of Human Settlements and Urban Development, bilang kinatawan ni Secretary at NHSB Chairman Jose Rizalino Acuzar.
Ang rental cap ay ipinatutupad upang maprotektahan ang housing tenants sa lower-income brackets at iba pang benepisyaryo mula sa sobra-sobrang rent increases alinsunod sa Republic Act 9653 o Rent Control Act of 2009.