Bantay sarado ngayon sa kaniyang piitan ang tinaguriang Rent-Sangla Queen na si Rafaela Anunciacion sa Canlubang Philippine National Police (PNP) sa Laguna.
Ito’y upang pangalagaan ang seguridad ni Anunciacion dahil sa pangambang pagbuwelta sa kanya ng mga may-ari ng kotseng kaniyang tinangay.
Dose-dosenang mga biktima ng rent-sangla ang agad sumusugod sa nasabing piitan makaraang maaresto si Anunciacion.
Batay sa tala ng PNP, aabot sa 500 ang nabiktima ni Anunciacion ang lumutang na upang magsampa ng reklamo laban sa suspek at inaasahang darami pa ito sa susunod na mga araw.
By Jaymark Dagala