Namemeligro ang negosyo ng mga landlord at mga may-ari ng mga pinarerentahang office space sa bansa.
Ito’y dahil sa posibilidad na hindi na magrenta ng mga office space ang mga kumpanya sakaling magpatuloy ang work-from-home set up sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Ayon kay David Leechiu, chief executive ng real estate brokerage firm na Leechiu Property consultants o LCP, maaaring maganap ang nasabing scenario, tatlong taon mula ngayon kung hindi pa rin babalik sa mga opisina ang maraming kumpanya.
Maaari anyang i-terminate ng mga kumpanya, partikular ng mga business process outsourcing firm, ang kanilang mga lease.
Idinagdag ni Leechiu na mayroong mga multinational companies na nais nang magbalik ang kanilang mga empleyado sa mga opisina dahil sa maraming “security breaches”.
Partikular na iniulat ng LCP ang ilan sa mga empleyadong nag-re-resign na hindi na ibinabalik sa kumpanya ang kanilang work-from-home equipment, tulad ng laptop, na naglalaman ng mga confidential company data.