Panahon na para magkaroon ng reorganisasyon sa Presidential Communications Operations Office (PCOO) at repasuhin ang kuwalipikasyon ng mga tauhan nito.
Ito ang inihayag ni Senator Sherwin Gatchalian makaraang siya ang huling maging biktima ng kapalpakan ng mga taga-P.C.O.O. kung saan sa halip na Sherwin ay Winston ang ipinangalan sa kanya sa isang statement.
Iginiit ni Gatchalian na kredibilidad ng nasabing tanggapan ang nasira sa sunud-sunod na kapalpakan nitong kapalpakan gayong ito pa naman ang mukha ng Office of the President bilang communications team ng Malakanyang.
Ayon sa Senador, kanilang bubusisiin nang husto ang mahigit Isang Bilyong Pisong budget ng P.C.O.O. Para makita kung nagagamit ito nang tama hanggang sa pinakahuling sentimo.
Sa sandali anyang pumalpak muli ang P.C.O.O., kanya nang imumungkahi na ibaba ang budget nito o lumikha na lamang ng bagong tanggapan.