Pinadaragdagan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa NIC o National Intelligence Committee ang mga ahensya ng pamahalaang bubuo rito.
Layon nitong mapalakas pa ang kakayahan ng nasabing komite hinggil sa intelligence gathering upang higit pang mabigyang proteksyon ang bansa kontra terorismo.
Batay sa inilabas na Administrative Order Number 7 ng Pangulo, nais nitong isama ang PDEA o Philippine Drug Enforcement Agency, Philippine Coast Guard at Office of Transportation Security sa nasabing komite.
Magugunitang binuo ang NIC noong 2003 ni dating Pangulo ngayo’y Pampanga Representative Gloria Macapagal Arroyo upang maka-agapay at magsilbing advisory body ng NICA o National Intelligence Coordinating Agency.
—-