Kumbinsido si Magdalo Partylist Representative Gary Alejano na ni-railroad o minadali ang pagbasura sa inihain niyang impeachment complaint laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa panayam ng programang “Balita Na, Serbisyo Pa”, sinabi ni Alejano na hindi siya nabigyan ng pagkakataon na ipaliwanag ang kanyang mga punto kung bakit siya naghain ng impeachment complaint laban sa Pangulo.
Pinilit aniya ng House Committee on Justice na desisyunan kung ang naturang reklamo ay sufficient in substance, gayong ang requirement lamang dito ay recital of facts.
Pakingan: Bahagi ng panayam kay Magdalo Partylist Representative Gary Alejano
Nagpaliwanag din si Alejano kung bakit hindi siya nagpasa ng authenticated documents sa kanyang reklamo.
Pakingan: Bahagi ng panayam kay Magdalo Partylist Representative Gary Alejano
Muli ring iginiit ni Alejano na mayroon siyang personal knowledge bilang complainant at hindi bilang testigo, lalo na sa mga isyung kinakaharap ng Pangulo partikular ang kampanya nito kontra iligal na droga.
Pakingan: Bahagi ng panayam kay Magdalo Partylist Representative Gary Alejano
By: Meann Tanbio / BNSP