Kumbinsido si Representative Lito Atienza ng Buhay partylist na maisasa-ayos ang maraming problema ng Metro Manila lalo na ang traffic kung pangangasiwaan ito ng mga halal na opisyal.
Laman ito ng House bill 4758 na inakda ni Atienza na naglalayong baguhin ang istraktura ng MMDA o Metro Manila Development Authority.
Sa ilalim ng panukalang batas, ang MMDA ay pangangasiwaan na rin ng gobernador at bise gobernador na kahalintulad ng sa mga lalawigan at sa mga syudad ng New York at Tokyo.
Pinuna ni Atienza na hindi epektibo ang kasalukuyang set up sa mmda dahil kinakailangang konsultahin ng MMDA chairman ang mga metro mayors sa lahat ng plano para sa metro manila lalo na kung apektado ang kanilang mga pinangangasiwaang syudad.
Naniniwala si Atienza na mas mareresolba ang problema sa trapiko sa metro manila kung halal na opisyal ang ang mamumuno sa MMDA na bibigyan ng otoridad sa mga metro mayors.
By Len Aguirre