Humihirit si Surigao Del Norte Second District Representative Ace Barbers sa National Bureau of Investigation na imbestigahan at sampahan ng kaso ang mga vlogger na sinasabing sumisira sa reputasyon ng House Quad-Committee.
Lumiham ang mambabatas kay NBI Chief Jaime Santiago na tukuyin ang mga tao o grupo sa likod ng mga vlog na naghahasik ng maling impormasyon at sumisira sa integridad ng serbisyo ng mga kongresista.
Panawagan din ni Representative Barbers, na panatilihin ang digital evidence hinggil sa mga vlog.
Isinumite rin ng kongresista sa nba ang isang vlog na nag-uugnay sa kanya at sa kanyang na sina Surigao Del Norte Governor Lyndon Barbers sa ilegal na droga, gayundin sa iba pang ebidensya.
Hinimok ng mambabatas ang NBI na magsampa ng mga kaso kabilang ang libel at sedisyon kaugnay sa cybercrime prevention act.