Inihain ni Surigao Del Norte Representative Robert Ace Barbers ang panukalang batas na nagsasama sa environmental protection, entrepreneurship, reproductive health, population control at drug prevention sa elementary at highschool curriculum.
Sa ilalim ng House Bill No. 5202 o Responsible Youth Act, inaatasan ang Department of Education (DepED) na magbigay ng libreng training sa mga guro kaugnay sa pagtuturo ng mga usapin.
Ayon kay Barbers, maraming kinakaharap na hamon ang kabataan partikular na sa iligal na droga, teenage pregnacy at global warming.
Sa pagsusulong ng naturang panukala sinabi rin ng mambabatas na ang mga hilig, pangarap, motibasyon at determinasyon ng kabataan ay maaaring gumawa ng pagbabago sa pagbuo ng isang bansa. - sa panunulat ni Hannah Oledan