Panahon na para ipatupad muli ang parusang kamatayan para labanan ang smuggling ng droga.
Paniniwala ito ni House Dangerous Drugs Committee Chairman Robert Ace Barbers dahil kapag natakot ang drug lords hindi na magpupuslit ng iligal an droga ang mga ito.
Sinabi pa ni Barbers na nakikita niyang paraan para maresolba ang problema sa illegal drugs ang pagbabalik ng parusang bitay.
Nito lamang nakalipas na mga linggo sinasabing nasa isang libong kilo ng shabu na nagkakahalaga ng 6.8-billion-peso na nakasilid sa apat na magnetic lifters ang naipuslit sa GMA, Cavite na itinanggi naman ng Bureau of Customs (BOC) sa naging pagdinig ng Kamara.
Bukod dito, 4.3-billion-peso na halaga ng shabu rin ang nasabat ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at BOC sa Manila International Container Port.
—-