Pinag-iisipan na rin ni House Speaker Feliciano Belmonte Jr. ang panunumpa sa ilalim ng magiging ruling party na PDP-Laban
Ayon kay Belmonte, hindi ito maituturing na paglipat bagkus, pagbabalik partido lamang mula nang tumakbo siya sa puwesto nuong 1986
Sa usapin naman ng pagbuo ng Super Majority, sinabi ni Belmonte na kahit pa magiging kontrolado na ni incoming President Rodrigo Duterte ang mayorya ng mga mambabatas sa kamara, hindi pa rin ito nangangahulugan na magiging sunud-sunuran na lamang sila
Samantala, maugong na rin ang pagiging Minority Leader ni Quezon Rep. Danilo Suarez sa kamara at sinabi nito na magiging Constructive Minority sila pagdating ng ika -17 Kongreso
By: Jaymark Dagala