Nakulangan si House Committee on Public Order and Safety Chairman Dan Fernandez sa imbestigasyon ng Senado hinggil sa war on drugs ng Duterte administration.
Ito ayon kay Rep. Fernandez, ay dahil walang naisiwalat sa pagdinig ng Senado hinggil sa alegasyong may reward system para sa mga pulis na makapapatay sa mga sinasabing drug suspect.
Bukod sa reward system, sinabi ng mambabatas na kuntento naman ito sa ibang mga detalyeng natalakay sa Senate hearing na dinaluhan ni dating pangulong Rodrigo Duterte. - sa panulat ni John Riz Calata