Isinusulong ni Congressman Alfredo Garbin Jr. na mapayagan ng gobyerno ang pagkakaruon ng backrider sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ).
Sa kaniyang sulat sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) binigyang diin ni garbin na ang motorsiklo lamang ang tanging transportasyon ng mga mahihirap, low income at maging ng lower middle income na maaaring ma afford ng mga ito.
Sinabi ni Garbin na maraming factory workers, office staff at rank and file employees gayundin ang mga guro at estudyante na papasok kapag nagbukas na ang klase ay gumagamit o gagamit ng motorsiklo para makapag biyahe patungo sa kani kanilang destinasyon at maging pauwi sa kanilang mga bahay.
Malinaw aniyang diskriminasyon sa mga mahihirap ang pagbabawal na makagamit ng sarili at abot kaya nilang transportasyon sa pagbabalik sa kani-kanilang mga trabaho papunta at pauwi sa kanilang mga bahay.