Kinondena ng isang grupo ang anila’y pakiki-alam ni Iloilo Rep. Janett Garin na nagresulta sa pagka-antala ng biyahe ng mga Medical Technicians mula Iloilo patungong Maynila.
Ito’y para sana magsanay ang mga ito sa pagsasagawa ng testing na may kaugnayan sa 2019 coronavirus disease 2019 o COVID-19.
Ayon sa grupong Pinoy Aksyon for Governance and Environment, tila sinasamantala umano ni Garin ang panahon ng krisis upang mamuilitika at pabanguhin ang pangalan.
Hindi rin nakaligtas sa grupo si Presidential Consultant for Western Visayas Jane Javellana dahil naman sa pagdepensa nito kay Garin.
Magugunita na iginiit nuon ni Javellana na nagkaroon umano ng miscommunication sa pagitan ng DOH Region 6 at Civil Aviation Authority of the Philippines o CAAP dahil hindi nito ipinabatid na kasamang tutulak patungong Maynila ng mga Med-Tech ang staff ni Iloilo Rep. Julienne Baronda.
Ito ang dahilan ayon kay Javellana kaya’t binawi ng CAAP ang go signal nito sa biyahe ng mga Med-Tech dahil sa umiiral na ECQ o Enhanced Community Quarantine sa Luzon.
Kasunod nito, nanawagan ang grupo sa Philippine National Police o PNP na kastiguhin si Garin dahil sa anila’y pagiging prumutor nito sa pagpapakalat ng fake news.