Itinalaga na ni Pangulong Rodrigo Duterte si Kabayan Partylist Representative Harry Roque bilang bago nitong tagapagsalita.
Inanunsyo ng Pangulo ang appointment ni Roque sa mismong birthday dinner ng mambabatas sa Davao City kagabi.
Ayon sa Pangulo kailangan niya ang gaya ni Roque na maipapaliwanag nang maayos sa publiko ang anumang nasa isip niya.
Si Roque ay bibigyan ng ranggong Secretary habang ang papalitan nitong tagapagsalita na si Ernesto Abella ay may ranggo lamang noon na Undersecretary.
Matatandaang kahapon ay lumiban na sa kanyang regular na briefing sa Malakanyang tuwing Biyernes si Abella.