Bababa sa pwesto si Rep. Mark Meadows bilang miyembro ng kongreso para maging chief-of-staff ng White House.
Inaasahang magiging epektibo ang pabibitiw sa kongreso ni Meadows ganap na 5:00 ng hapon oras sa Amerika, ika-31 ng Marso.
Magugunitang naging malapit si Meadows kay US President Donald Trump nitong mga nakaraang linggo bilang bahagi ng transition period nito.
Samantala, si Meadows ang magiging pang-apat na chief of staff ni Trump na papalit kay Mick Mulvany na dati ring miyembro ng kongreso.
Sa panulat ni Ace Cruz.