Kinumpirma mismo ni House Majority Leader Martin Romualdez na nagpositibo siya sa Corona Virus Disease 2019 (COVID-19).
Ayon sa inilabas na pahayag ni Romualdez kahapon, Marso 17, natanggap na niya ang resulta ng kanyang RT-PCR test at positibo ito at nakatakda siyang sumailalim muli sa ikalawang swab test bukas .
Hiling ni Romualdez sa kanyang mga nakasalamuha o close contact na sumailalim din sa swab test.
Mensahe ni Romualdez sa mga nag-aalala sa kanya na mabuti naman ang kanyang kalagayan kahit na may nararanasang ilang sintomas at binabantayan naman siyang mabuti ng kanyang doktor.
Samantala, nanawagan naman ang kongresista na patuloy na ipanalangin ang mga dinapian ng sakit at mga frontliner.— sa panulat ni Agustina Nolasco