Itinanggi ng mag-asawang Congresswoman Florida Robes at Mayor Arthur Robes ang pagkakasangkot nila sa pagguho ng isang water tank sa San Jose Del Monte, Bulacan noong October 6, 2017.
Ayon sa mag-asawang Robes walang kontrol ang city government sa San Jose Del Monte Water District at walang plano ang Prime Water Corporation na i-take over ang water district dahil ito ay isang Government Owned and Controlled Corporation o GOCC.
Binigyang diin ng mag-asawang Robes na dahil sa separation mula sa local government ang LGU kabilang ang tanggapan ni Congresswoman Robes ay walang alam sa kasunduang pinasok ng water district.
Una nang nagsampa ng apat na bilang ng murder at 43 bilang ng frustrated murder si Councilor Irene Del Rosario laban sa mag-asawang Robes at walong iba pa sa Ombudsman.
—-