Hinimok ni Congressman Rufus Rodriguez ang Kongreso na palawigin pa hanggang Setyembre ang emergency powers na iginawad sa Pangulong Rodrigo Duterte sa ilalim ng Bayanihan to Heal as One Act (BAHO).
Ayon kay Rodriguez hindi pa nakikitang matatapos ang problemang ito dahil araw araw ay mayruon pang naitatalang kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) at hindi pa rin nakakabalik sa operasyon ang buong ekonomiya ng bansa.
Malabo aniyang matapos sa 24 ang COVID-19 pandemic kayat kailangang palawigin ang effectivity ng nasabing batas para mabigyan pa ng sapat na panahon ang pangulo para tugunan ang krisis.
Sinabi pa ni Rodriguez na kapag pumasa ang panukalang extension bago ang adjournment kailangang muling magpatawag ng special session ng pangulo habang naka recess ang Kongreso kung nais man ntong palawigin ang kaniyang emergency powers.